
Ano ba ang kailangan para masabing maganda ang isang babae? Kailangan ba niyang maging mestisa o morena? Kulot o tuwid na buhok? Mahaba o maikling buhok? Makapal o manipis na labi? Eh ang mga mata niya, kailangan bang maging bilugan ba ang mga ito o singkit?
Ano ba talaga ang sukatan ng kagandahan? Hindi mo kailangang manalo sa isang beauty pageant para masabing maganda ka eh diba? Ang kailangan mo eh maniwala na maganda ka; magkaroon ka ng confidence. Ang kagandahan naman eh depende sa taong tumitingin eh. Lahat naman ng tao may kagandahan kaya huwag mong isipin na walang lalaki o babaeng magkakagusto sa’yo. Lahat tayo ay darating ang panahon na may taong mapapatigil natin ang kanilang mundo dahil sa kagandahan ng ating panlabas at panloob na anyo. Kahit anong itsura mo, may taong magmamahal sa’yo.