Pero aminin niyo, nung high school kayo may mga babaeng mala PBB teens ang landi. Kung wala eh, siguro kayo ‘yun.


1 hour ago with 3 notes

Hindi kita kapatid. Ayaw kitang kapatid.

Limang buwan o mahigit na ata kaming hindi nagpapansinan ng bunso kong kapatid. Ayokong ayokong makikita ang pagmumukha niya. Ewan ko ba sa kanya, naiirita parin ako sa kanya hanggang ngayon.  Ayokong ayokong nakakasama siya sa isang kwarto. Ayokong marinig ang boses niya. Kahit nga yabag lang ng mga paa niya eh ayokong maririnig. Naiinis ako sa kanya. Kung pwede lang na hindi nalang sana siya ang naging kapatid ko eh mas ayos pa sana ang buhay ko.

Sa totoo lang, natutuwa pa nga akong asarin siya eh. ‘Yung tipong nandun siya sa isang kwarto tapos eh pupunta ako ‘dun at tatambay para lang umalis siya. Kapag nakita kong gising na siya, lalo ko pang tinatagalan ang paggamit ng laptop. Eh. Ayoko talaga sa kanya. Ayoko sa pagmumukha niya kahit magkamukha kami. Letse.


9 hours ago with 1 note

Yes, there are times that I miss you but no, I don’t want you back.


#break  
12 hours ago with 24 notes

Ayokong magkaanak.

Wala ba akong puso kung sabihin kong ayokong magkaanak? Ewan ko ba pero hindi ko talaga kinakaya kapag iniisip kong darating ang panahon na magkakaanak ako. Oo, natutuwa ako sa mga bata; masaya akong nakakapagpasaya ng isang bata pero hindi ko gusto ang ideya na mag-alaga sa kanya.

O siguro naman eh natatakot lang ako. Paano nga ba magpalaki ng isang bata? Paano ko siya mapapalaki ng maayos? Pakiramdam ko kasi napakahirap ‘nun.

Siguro nga masyado pa akong bata emotionally kaya ganito ang naiisip ko. Lahat naman ng bagay eh may tamang panahon at alam ko naman na hindi pa ito ‘yun. Tsaka utang na loob naman, bata pa ako. Bakit ko ba kasi agad iniisip ‘to?


1 day ago with 3 notes

I don’t wanna act a fool; don’t wanna look confused. If I let you know about the way I feel, don’t know what you gonna do. So I keep it locked inside and imagine you were mine. And I’m feeling you so close but yet so far. You hold the key to my heart.
— Jessica Jarrell (Key to my Heart)

3 days ago with 1 note

New haircut!

New haircut!


3 days ago with 8 notes

I’m not a fan of Santacruzan/Flores de Mayo.

I’m not a fan of spending a lot of money for a gown, an arc and make-up just to walk around a barangay. I mean yeah sure, it’ll make you feel prettier. You’ll be able to get people’s attention but you don’t have to spend so much for that.

When I say a lot of money, I really mean a LOT. In other barangays, I know that Flores de Mayos are not that extravagant. Having an arc made of bamboo or something light with a couple of flowers is enough. Here in our barangay, people would spend around 30,000php just for a single arc. They would rent big arcs with four legs and wheels, decorate them with dozens of real flowers and put lights inside the arc to illuminate the queen. No one would notice the queen’s expensive make-up without those lights. And of course, when you’re going to use lights, you should also provide a generator.

I can even remember when my sister joined the Santacruzan a decade ago. She even had a waterfall like thing on her arc. Two or three years back, one girl had a huge carriage instead of an arc. I guess her parents didn’t want her to get tired. She would throw candies in the streets as if we haven’t tasted candies in our lives. Oh come on. Yeah, it’s amazing but having a waterfall and throwing away candies aren’t necessary.

What’s irritating here in our place is that I know that most of the people here aren’t that rich yet they spend so much for a single night. Then after a couple of days, they would go to each other’s houses and try to borrow some cash for they almost ran out of it because of the celebration. Come on people, please use your money wisely.

Tonight will be the last night of Santacruzan here in our barangay. Let’s just see what will be the new gimmick that they’re gonna do.



3 days ago with 1 note

Ang bilis ng panahon.

Parang kailan lang eh nag 18 na ‘yung pinsan kong si Charlene (pangalawa sa kanan sa unang litrato). Naaalala ko pa noon ay sinurpresa namin siya dahil akala niya ay walang balak na selebrasyon para sa kaarawan niya. Nagkaroon lang naman kami ng simpleng handaan noon. Naaalala ko pa nga kung paano ang reaksyon niya noong nakita niya kaming mga kamag-anak niyang naghihintay sa kanya sa bahay nila. Naaalala ko pa ‘yung saya sa mga mata niya noong araw na ‘yun.

Kahapon ay ang kanyang ika-22 kaarawan ni Charlene. Gaya ng dati ay simpleng selebrasyon lamang ang naganap. Pero ngayon, kung titingnan mo sa dalawang litrato eh marami na rin ang nagbago.

Sa unang litrato, makikitang apat lang kami. Lima lang kasi kaming babaeng magpipinsan sa father side ko. ‘Yung isa ay nasa Cavite at bihira lamang pumunta dito sa Laguna kaya kaming apat lang ang nasa litrato.

Kung titingnan mo ang ikalawang litrato eh aba, ngayon ay dumami na kaming mga babae. Ngayon ay dumagdag na si ate Anabelle na asawa ng pinsan ko. Siya ‘yung babaeng naka green. Buhat-buhat naman niya si Sabrina. Siya naman ay ‘yung dalawang buwan na anak ng pinsan namin na si Kristine (‘yung nakapula o red orange; kung anumang kulay ‘yan). At tapos, ate ko nga pala ‘yung nasa pinakakaliwa. Hindi kami masyadong magkamukha. Mas madalas nga eh, ang sinasabi ng mga tao eh mas kamukha ko si Charlene (nakaitim siya sa ikalawang litrato).

Ganoon nga talaga ‘no? Minsan mapapansin mo lang ang mga pagbabago kapag binabalikan mo na ang nakaraan. Ang bilis. Apat na taon na pala ang lumipas mula noong araw na ‘yun.

At ayun, extra nga pala ang tita kong hawak ang camera sa ikalawang litrato.


4 days ago with 4 notes

I feel like my awkwardness has ruined so many potential relationships.


4 days ago with 368 notes
originally thecrazyfilipino

I had a dream about you last night.

Everything was so surreal. How I wish I didn’t wake up.


5 days ago with 1 note

When am I going to be happy?


6 days ago with 2 notes

Breaking news:

Lilipat na ng paaralan ang isa sa mga housemates ko.

Ibig sabihin ‘nun eh mababawasan kami ng isa at kailangan naming maghanap ng bagong makakasama. Kaso, mahirap nang maghanap ngayon kasi malapit nang magpasukan. Karamihan eh nakahanap na ng tutuluyan nila.

Nakakalungkot kasi kailangan na niyang lumipat. Na-dismiss kasi siya noong nakaraang semestre. Oo nga’t kung tutuusin eh parang normal na rin naman sa paaralan namin ang ganon. Readmitted na naman siya at maaari nang pumasok ulit eh kaso ang problema ay ang kanyang magulang. Nagkaroon sila ng kasunduan noon na kapag may ibinagsak siyang subject ay lilipat na siya. Ang tindi naman ‘nun. Kung ang unibersidad nga ay binigyan siya ng pagkakataon na bumalik, bakit hindi man lang siya mabigyan ng pagkakataon ng magulang niya? Nakakalungkot. Nakakahinayang din na kailangan niyang lumipat.

Oo nga’t may mali rin naman siya dahil naging delikwente siya; aminado naman siya ‘dun. Kaso nga lang ay sayang talaga. Wala, nabawasan na kami. Isa siya sa ilan sa mga kakilala kong lilipat na ng paaralan. Nakakalungkot talaga.


Since I am too lazy to tell stories about my Cam Sur trip, I’ll just post some of the photos. They always say that a picture paints a thousand words. Meaning, I already have six thousand words or so for this post. Yeah, whatever.


#CamSur  #gpoy  #life  
1 week ago with 13 notes

There are two possible captions for this photo. You can choose one:
Slowly becoming a woman.
OMG. Humahaba na ang buhok ko! Babae na ako!

There are two possible captions for this photo. You can choose one:

  1. Slowly becoming a woman.
  2. OMG. Humahaba na ang buhok ko! Babae na ako!

1 week ago with 12 notes

…Being attractive is not about how much make up you wear or how fly you think you have to look. To me being attractive is about glowing; being happy from within because you are free to be yourself. On the runway I put on many faces and wear fashions that are as far from my personality as you can get, but I try to put a little bit of myself in my walk and in my attitude so that I not only sell the collection, but also sell myself as a confident and attractive woman.
— Chanel Iman (via fightinganorexiaforhappiness)

1 week ago with 10 notes
originally guarigione

theme by heloteixeira